Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni
Genoveva-Edroza Matute
Isang araw, naigunita ng guro ang pagsasamang namuo sa kanila ng kanyang naging estudyante. Tandang-tanda pa niya ang itsura ng kanyang naging estudyante. Para sa guro, mananatiling isang batang lalaking may kaitiman,kaliitan at walong taong gulang. Nabanggit pa ng guro na ang bata ay ang pinakamaliit sa klase at isa sa pinakapangit. Ito ay mayroong bilog at pipis na ilong at kahit ang kanyang pananalita ay mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilala na siya’y taga-ibang pook. Marahil binata o ama na siya ng isang mag-anak. Ang estudyanteng kanyang inaalala ay ang estudyanteng naging kanyang guro at siya’y natuto dito.
Nagpapahuli siyang umuwi upang tumulong mag-linis at umuwi ay lilingon muna siya sa guro at sasabihing, “Good Bye Teacher”. Ang batang ito ay ang pinakamasipag sa klase dahil ito ay may kusang-loob sa paglilinis. Sa gawi niyang iyon ay lihim niya itong pinagmamasdan. Pinagtakhan niya ang pagiging mapag-isa, pagiging tahimik at mahiyain ng batang yaon. Nang mapagdugtung-dugtong niya ang mga katotohanan tungkol sa batang ito ay napagtanto niya : batang ulila ito na galing lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod bilang isang utusan. Gusto ng gurong maranasan ng batang iyon ang maging masaya, makitang makipagtakbuhan sa mga bata at umakyat sa pook na ipinagbabawal.
May namuong isang tahimik na ugnayan sa guro at sa bata. Nahuhuli na niya itong nakikipagtakbuhan, pagpapadulas sa mga pagitan ng mga hanay ng upuan at ang pag-akyat sa mga pook na ipinagbabawal. At ang kanyang, “Good Bye Teacher” ay tumataginting na. Lalo siyang naging malapit sa guro ngunit isang araw, mainit ang ulo ng guro at nagawa nito ang di inaasahan. Hindi na nito maalala kung ano ang kanyang ginawa sa bata upang ito’y ikanliit ng bata sa upuan nito. Nakaligtaan nito ang kalumbayan ng bata noon. Nang hapong iyon ay nagtungo ito sa kinaroroonan ng tsinelas ng guro pagkatapos ay ibinili ng minindal ng bata ang guro at iniligpit ang mga panlinis na bagay na naiwan at inilagay ito sa sulok. Umalis ang bata nang hindi nagsasabi ng “Good Bye Teacher”. Tanong ng tanong ang guro sa sarili kung ano ba ang kanyang ginawa at poot sakanya ang batang iyon. Nagulat ang guro at bumalik ang bata upang magsabi ng, “Good Bye Teacher” sa kanya. Isa lamang ang napagtanto ng guro, ang kanyang estudyante ay naging kanyang guro marahil dahil sa aral na kanyang nakuha, di sa labas na kaanyuan nakikita ang tunay na ugali.
Isang araw, inilarawan ng Guro na si Matute ang isa sa kanyang mga naging estudyante bilang ang pinakapangit , at pinakamaliit sa klase. Kapansin-pansin din ang nakakatawang pabilog na kanyang ilong. Mayroon rin siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook. Ngunit sa kabila nito, siya ay palaging nagpapaiwan tuwing hapon sapagkat tumutulong siya sa mga tagalinis, tinutuwid ang mga upuan at bago umalis ay lumilingon upang magsabi ng “Goodbye,teacher!” At di nagtagal, nalaman ng guro na siya ay munting ulilang galing sa lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod upang mamasukan kung kaya’t napagtanto ng guro na maliban sa itsura, ang mga iyon ay dahilan din ng kanyang madalas na pag-iisa. Simula nang kanyang malaman ang tungkol dito, tinatawag na niya ito ng madalas sa klase at pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa kanya. Doon ay nakabuo sila ng tahimik na pagkakaibigan ngunit isang araw ay napagbaligan ang estudyante ng kanyang init ng ulo at dama niya ang labis na pagkalungkot ng bata.
Subalit kahit ganoon ang nangyari, hindi pa rin nakalimot ang estudyante sa mga ginagawa niya para sa guro sa araw-araw. At dahil sa ginawang ito ng bata, nasabi ng guro sa kanyang sarili na ang kanyang mabuting estudyante ay kanyang nagging guro.
Inihanda ni : Angelica Molina
No comments:
Post a Comment