Tuesday, September 29, 2015

Tanaga at Haiku

Ang Haiku ay isang tulang Hapon na may labimpitong patnig sa bawat taludtod. Ang unang taludtod ay may limang patnig,sa ikalawa'y pito at sa ikatlo ay may lima.Noon ay tinawag na hokku, ang nagbigay sa haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat na Hapones at siya si Masaoka Shiki sa katapusan ng 19th century.
Halimbawa:
Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko.
Gabing madilim,
Kulay ay inilihim,
Kundi ang itim.
Ang Tanaga ay binubuo ng apat na taludtod (verses) at sa bawat taludtod ay may sukat(syllables) na pipituhin. Sa loob ng naturang anyo, kailan ay ganap na maipahayag ng makata ang nais sabihin sa pamamagitan ng matalinghagang pangungusap.





Halimbawa:
                                                                  Totoong sinungaling,
At talagang malihim,

Pipi kung kausapin,
Walang kibo’y matabil,
Ang isa sa kaaway,
Na marami ang bilang,
Ang iyong pangilangan,
Ayan... katabi mo lang!

-- Ildefonso Santos
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.
(KAIBIGAN)
ni Emelita Perez Baes


Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
(PALAY)
ni Ildefonso Santos


Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak, 
nadarama’t nalalasap 
ang pag-ibig na matapat.
(PAG-IBIG)
ni Emelita Perez Baes
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!
(KABIBI)
ni Ildefonso Santos

Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!
(TAG-INIT)
ni Ildefonso Santos


Pag ang sanggol ay ngumiti 
nawawala ang pighati, 
pag kalong mo’y sumisidhi 
ang pangarap na punyagi.
(SANGGOL)
ni Emelita Perez Baes




Inihanda ni: Jessica I. Obusan





1 comment: